Huwebes, Pebrero 20, 2014

Tatsulok
            Kapag naririnig mo ang salitang tatsulok, ano ang una mong naiisip? Marahil naiisip mo yung hugis ng mukha ng kaklase mo, o kaya yung kanta ni Bamboo, o kaya isang hugis na may tatlong sulok, o kaya, masyadong marami. Alam ko naman na marami pa kayong naiisip sa tuwing naririnig nyo ang salitang tatsulok, ngunit mayroon pa kayang ibang ibig-sabihin ang salitang ito?

            Sa tatsulok na alam ko, ito ay binubuo ng limang uri ng tao sa ating lipunan. Una rito, sa pinakababang bahagi ng tatsulok ay ang mga magsasaka (75%), huwag kayong magtaka kung bakit malaki ang porsyentong sakop ng mga magsasaka, agrikutural na bansa ang Pilipinas kaya marami sila, kahit ikutin mo pa ang buong Pilipinas makakakita ka ng magsasaka. Ikalawa ay ang mga manggagawa (15%) na ang lakas-paggawa ang partikular na gamit sa pagtatrabaho, mas maraming manggagawa ang nasa kalunsuran kaysa sa kanayunan sapagkat ang mga gusali, pabrika o establishimento ay nasa mga lungsod. Ikatlo ay ang peti-burgesya (7-8%). Ang ibig-sabihin ng peti ay maliit at ang burgesya naman ay pag-aari, sa madaling salita ang ibig-sabihin ng peti-burgesya ay may maliit na pag-aari. Sa uri na, ito tayong mga estudyante nabibilang kasama ang  mga doktor, guro at marami pang iba. Ikaapat ay ang pambansang burgesya (2-1%), at ang panglima na sya ring nasa tuktok ng tatsulok ay ang panginoong may lupa at malaking burgesya kumbrador (1-0%), sa uring ito nabibilang ang mga taong namumuno sa ating lipunan at ang mga nagmamay-ari ng malalaking kumpaya o establishimento sa Pilipinas, tulad na lamang ng ating presidente na si Pnoy, maging si Henry Sy, Lucio Tan at marami pang iba. Ngayon, napapaisip ka ba kung bakit ang mga panginoong may lupa at malaking burgesya kumbrador ang namumuno sa ating bansa na kung tutuusin ay kakaunti lamang sila?  Napapaisip ka rin ba na sa konti nila sila pa rin ang sikat sa ating lipunan? Marahil alam mo na ang sagot, kasi may pera sila kaya, kaya nilang gawin ang lahat ng naisin nila sa kabila ng bilang nila at sapagkat hawak rin nila ang politika, ekonomiya at kultura ng bansang Pilipinas kaya talagang makapangyarihan sila.

            Naaalala mo pa ba ang awitin ni Bamboo na tatsulok? “habang may tasulok at sila ang nasa tuktok di matatapos itong gulo” isa lamang iyan sa mga linya ng awiting tatsulok. Pansinin natin ang liriko, ang tinutukoy na sila sa awitin ay ang mga ang panginoong may lupa at malaking burgesya kumbrador o ang mga taong nasa tuktok ng tatsulok  na nabanggit sa naunang talata at ang gulo na tinutukoy sa awitin ay ang kahirapan. Malinaw na sinasabi sa kanta kung mananatili ang mga ganitong uri ng tao na mamumuno sa ating lipunan, hinding-hindi matatapos ang kahirapang nararanasan sa ating bansa. Hangga’t ang mga uri ng taong ito ay hindi pahahalagahan ang interes ng kanilang nasasakupan at patuloy na pahahalagahan ang pansarili nilang interes, gagawa at gagawa  ng paraan ang masa upang makamit ang lahat ng kanilang karapatang hindi kayang ipagkaloob sa kanila ng mga taong  namumuno sa kanila. Habang nasa tuktok ang uri na ito, mas lalong malulugmok sa kahirapan ang kinabukasan ng mga Pilipino maging ang bansa nito at dahil sa mga ito, imbis na lumago o umasenso ang Pilipinas, mas lalo itong  bumabagsak sapagkat ang lahat ng para sa mamamayan ay kanilang itinatabi para sa kanilang sarili lamang. Kaya ngayon, huwag nating hayaan na ang mga ganitong uri ng tao ang patuloy na mamumuno sa ating lipunan.

            Kaya, mga kapwa ko kabataan, huwag ng magbulag-bulagan, huwag ng magbingi-bingian, huwag ng magtulog-tulugan at higit sa lahat huwag ng magtanga-tangahan. Walang mali sa paglaban, may mali kaya tayo lumalaban. Patunayan nating ang sinabi ng ating pambansang bayani, maging isa ka sa kabataan magiging pag-asa ng ating bansang Pilipinas. Huwag nating hayaan mamuno ang mga taong di karapat-dapat. Ito na ang panahon kabataan. Kung hindi ikaw, sino?, at kung hindi ngayon, kailan?


                                                                                                            Danica Odiña Espeleta
                                                                                                        

3 komento:

  1. 1XBet Casino: £1,020 Bonus + 100 Free Spins
    1Xbet Casino offers new players a 온카지노 range of fantastic online casino games that 1xbet have a strong theme. Whether it's 1XBET slots, roulette, keno, video poker,

    TumugonBurahin
  2. 1xbet - Vie Casino
    1XBet is 1xbet a multi-brand, one-stop online casino with a focus on 1XBET providing quality and engaging online casino games 온카지노 to their customers. Read on for more details.

    TumugonBurahin
  3. MGM Grand Casino Tunica - JetBlue Group
    Casino 여수 출장안마 · Live. Hotel · Casino · Entertainment. Hotel. Casino. Live. Casino. 바카라 노하우 Casino. 군포 출장샵 Casino. 진주 출장안마 Casino. Contact Information. 세종특별자치 출장안마 MGM Grand. Tunica. Tunica. Casino.

    TumugonBurahin